Ito ay matapos huminto ang Philippine Red Cross sa pagsasagawa ng COVID-19 tests para sa pamahalaan.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, mas matagal na kasi ngayon ang pagpoproseso at paglalabas ng resulta ng COVID-19 tests.
Kung noon ay 1 hanggang 2 araw lamang ay nailalabas na ang resulta, simula noong October 15 ay umaabot na ng isang linggo.
Simula noong October 16 ay inihinto na ng PRC ang pagsasagawa ng COVID-19 test sa mga umuuwing Pinoy dahil hindi nakababayad ang PhilHealth.
Umabot na sa P930 million ang balanse ng PhilHealth sa Red Cross.
MOST READ
LATEST STORIES