Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 21,757 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod hanggang araw ng Miyerkules (October 21).
Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 1,504 o katumbas ng pitong porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
19,639 o 90 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 614 o tatlong porsyento ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 19,795 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
MOST READ
LATEST STORIES