LOOK: Iba’t ibang grupo nagsagawa ng protesta sa Mendiola

Nagsagawa ng kilos-protesta sa Mendiola sa Maynila ang iba’t ibang mga grupo.

Layon ng protesta na ihirit na mapanagot ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa umano ay kapabayaan sa hanay ng mga magsasaka.

Ayon sa kanila, umabot na sa 277 na magsasaka ang pinaslang simula nang maupo sa pwesto si Pangulong Duterte.

Panawagan nila ang pagbasura sa Rice Liberation Law at Anti Terror Law.

 

 

 

Read more...