Trick-or-treat, Christmas party bawal sa Davao City

Ipinagbawal ni Davao City Mayor Sara Duterte ang pagdaraos ng trick-or-treat at Christmas Party sa lungsod.

Sa inilabas na abiso ng City Government, ang lahat ng tanggapan ng gobyerno, private offices, restaurants, business establishments, home associations, community organizations, mga simbahan, magbabarkada, at iba pang mga grupo ay inaabisuhan na bawal ang pagdaraos ng trick-or-treat para sa Holloween sa buwan ng Nobyembre.

Bawal din ang pagdaraos ng Christmas Party at iba pang holiday celebrations para sa nalalapit na holiday season.

Sinabi sa abiso, na ang pagbabawal ng naturang mga pagdiriwang ay batay sa rekomendasyon ng mga health official at infectious disease experts.

Pontensyal kasing “spreader” ng COVID-19 ang pagdaraos ng holiday get-togethers gaya ng Christmas Party.

 

 

 

Read more...