Yellow heavy rainfall warning nakataas sa lalawigan ng Zambales

Nakataas ang heavy rainfall warning sa buong lalawigan ng Zambales.

Sa inilabas na heavy rainfall warning ng PAGASA, alas 8:00 ng umaga ngayong Miyerkules (Oct. 21), yellow warning na ang umiiral sa buong lalawigan.

Ang nararanasang malakas na buhos ng ulan ay dahil sa tropical storm Pepito.

Samantala, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang nararanasan sa Metro Manila, Nueva Ecija, Bataan, Tarlac, Pampanga, Cavite, Bulacan, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon.

Pinapayuhan ang mga residente na mag-antabay sa mga susunod na abisong ilalabas ng PAGASA.

 

 

 

 

Read more...