Antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nadagdagan sa magdamag

Muling nadagdagan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 190.17 meters alas-6:00 umaga ng Miyerkules (October 21) mas mataas ito sa antas nito kahapon na 189.25meters.

Bahagya ring nadagdagan ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 101.05 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 100.86 meters habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay nadagdagan din na nasa 79.24 meters ngayong umaga mas mataas sa antas nito kahapon na 79.10 meters.

Samantala, ang water level ng Ambuklao, San Roque, Pantabangan at Magat dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang antas ng tubig ng Binga at Caliraya dams.

 

 

Read more...