Ayon kay Aurora PDRRMO Elson Egargue kabilang sa tinitiyak ay ang nasusunod ang social distancing at minimum health standard sa evacuation centers.
Hindi pa naibabalik ang suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng bayan ng Dilasag.
Sinabi ni Egargue na wala namang matinding epekto sa lalawigan ang pag-landfall ng bagyong Pepito.
Hanggang alas 6:00 naman ngayong umaga ay patuloy sa pag-apaw ang Ditubo River sa bayan ng Dilasag sa Aurora.
Batay sa abiso ng Dilasag MDRRMO, hindi passable sa light at medium vehicles ang Dilasag-Dinapigue Road dahil sa tubig-baha.
MOST READ
LATEST STORIES