600 pang overseas Filipinos nakauwi na sa bansa

Mayroong 600 pang overseas Filipinos ang nakauwi sa bansa sa ilalim ng repatriation program ng pamahalaan.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) kabilang sa dumating ang 400 Pinoy na mula sa United Arab Emirates.

Lulan sila ng dalawang special flights nang dumating sa NAIA.

Samantala, mayroon ding 200 overseas Filipinos galing Saudi Arabia ang dumating sa bansa.

Lulan sila ng DFA-facilitated flight.

Sumailalim sa swab test ang lahat ng bagong dating na Pinoy at mananatili sa quarantine facility habang hinihintay ang resulta ng swab test.

 

 

 

Read more...