NIA magpapakawala ng tubig sa Magat Dam sa Isabela ngayong araw

Naglabas ng abiso ang National Irrigation Administration (NIA) sa isasagawang pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam sa Isabela ngayong araw, Oct. 21.

Ayon sa NIA, ang pagpapakawala ng tubig ay isasagawa ala 1:00 ng hapon mamaya.

Ito ay upang mapanatili ang ligtas na antas ng tubig sa Magat Dam.

Sa umpisa ay 200 cubic meters per second ang pakakawalang tubig at maaring itaas pa ang dami depende sa mararanasang pag-ulan ngayong araw.

Pinayuhan ang mga residente na iwasan muna ang pagtawid o pamamalagi sa tabing ilog .

Ang mga alagang hayop ay pinalilikas din sa mas mataas at ligtas na lugar.

 

 

 

Read more...