Yellow heavy rainfall warning nakataas sa ilang bayan sa Zambales

Nakataas na ang heavy rainfall warning sa ilang mga bayan sa lalawigan ng Zambales.

Sa inilabas na heavy rainfall warning ng PAGASA, alas 5:00 ng umaga ngayong Miyerkules (Oct. 21), yellow warning na ang umiiral sa mga bayan ng San jose, Capas, Mayantoc, at Bamban.

Ang nararanasang malakas na buhos ng ulan ay dahil sa tropipcal storm Pepito.

Samantala, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang nararanasan sa Metro Maila, Nueva Ecija, Pampanga, Cavite, Bulacan, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon at Bataan.

Pinapayuhan ang mga residente na mag-antabay sa mga susunod na abisong ilalabas ng PAGASA.

 

 

Read more...