“Although temporarily-suspended for two (2) months due to COVID-19, we are now seeing significant progress of this ongoing iconic bridge project,” pahayag ng kalihim.
Inaasahang makatutulong ang tulay para lumuwag ang trapiko sa pagitan ng Estrella Street sa Makati City at Barangka Drive sa Mandaluyong City.
Sinabi ni Villar na ang Estrella-Pantaleon Bridge Project ay bahagi ng Metro Manila Logistics Improvement Program para maibsan ang trapiko sa EDSA.
Oras na maging kumpleto, magkakaroon na ng apat na lanes sa nasabing tulay at inaasahang maa-accommodate ang mahigit 50,000 sasakyan kada araw.
“This bridge is one of the many projects that are part of our master plan to decongest EDSA,” dagdag pa ng kalihim.