Batay sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang October 20, 21,874 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing probinsya.
Sa naturang bilang, 878 ang aktibo pang kaso.
Umabot sa 87 ang bagong gumaling kung kaya 19,679 na ang COVID-19 recoveries.
Lima naman ang bagong napaulat na nasawi sa nasabing rehiyon.
Dahil dito, 1,317 na ang bilang ng mga pumanaw sa Central Visayas bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.
MOST READ
LATEST STORIES