21 pang COVID-19 cases, nadagdag sa Baguio

Umabot sa 21 residente sa Baguio City ang nagpositibo pa sa COVID-19.

Batay sa Baguio City COVID-19 monitoring hanggang 5:00, Martes ng hapon (October 20), umabot na sa 1,725 ang kabuuang bilang ng kaso ng nakakahawang sakit sa lugar.

Sa nasabing bilang, 586 ang aktibo pang kaso.

24 naman ang bagong gumaling sa COVID-19.

Bunsod nito, 1,118 na ang total recoveries sa Baguio City habang 21 pa rin ang death toll.

Samantala, sa suspected cases, nasa 4,340 ang aktibo habang 3,124 ang naka-recover.

Patuloy namang nakasailalim sa 14-day quarantine ang 13,698 na residente habang 19,258 ang nakatapos na.

Read more...