Pacquaio, nasa LA na

 

Inquirer file photo

Dumating na si pambansang kamao at Saranggani Representatve Manny Pacquiao sa Los Angeles International Airport kasama sina Coah Freddie Roach, Assitant Coach Buboy Fernandez at kanyang mga sparring partners na sina Congolese Ghislain Maduma na mula sa Canada at Lyndell Rhodes na isang Amerkano.

Inaasahan na magpapahinga muna ang Team Pacquiao ng isang buong araw bago ipagpatuloy ang training sa Wild Card Gym sa Hollywood.

Kaugnay niyan magkakaroon pa ng dalawa pang bagong sparring partners si Pacquiao.

Muling kakaharapin ni Pacquiao sa ikatlong pagkakataon ang American Boxer na si Timothy Bradley sa April 9 sa MGM Hotel sa Las Vegas.

Si Pacquiao din ay kasalukuyang tumatakbo sa pagkasenador ngayong darating na eleksyon sa Mayo.

Read more...