PNoy sa PMA grads: ‘Huwag makihalo sa pulitika’

 

Kuha ni Ev Espiritu

Pinaalalahanan ni Pangulong Noynoy Aquino ang mga graduate ng Philippine Military Academy o PMA ngayong taon na huwag makihalo sa politika para umano maasahan ang tuloy na pagbabago.

Si Pnoy, na siya ring commander-in-chief, ay dumalo sa 111th PMA Commencement Exercises sa Fort Del Pilar sa Baguio City kaninang umaga, na kahuli-hulihan na rin niya bago tuluyang bumaba sa pwesto bilang Pangulo sa Hunyo.

Sa kanyang speech, sinabi ni Presidente Aquino na nasa kamay ng mga kadete kung mamamayani ang demokrasya o kung babalik ang bansa sa pang-aabuso ay kawalang-hustisya.

At gaya ng mga nakalipas niyang talumpati, may pinatamaang muli si Pangulong Aquino partikular ang umano’y mga humarang sa pagsusulong ng administrasyon upang makamit ang kapayapaan sa Mindanao.

Ani Pnoy, may dalawang Senador daw ang naiwan na lamang sa ayaw nang walang nilalatag na mas mainam sa solusyon.

Bagama’t walang binanggit na pangalan, matatandaang kinontra ni Senador Bongbong Marcos ang Malacañang version ng Bangsamoro Basic Law o BBL, habang si Senate Minority Leader Juan Ponde Enrile naman huling BBL interpellator sa Mataas na Kapulungan.

Bukod naman kay Pangulong Aquino, dumalo rin sa PMA graduation day si Vice President Jejomar Binay.

Sa katunayan ay halos magkasunod na dumating sina Pnoy at Binay, at magkatabi pa sa upuan sa stage.

Mula sa animnampu’t tatlong graduates ng PMA Gabay-Laya class, 33 ay pasok sa Philippine Army, 13 sa Philippine Air Force at 17 ay sa Philippine Navy.

Ayon naman sa Class valedictorian na si Cadet 1st class Kristian Abiqui, naniniwala siya na ang isang mapayapang lipunan ay isang maunlad na lipunan, malaya sa opresyon. Makakaasa raw ang lahat na magiging parte sila ng solusyon sa malawakang hamon.

 

Read more...