Nag-amok sa Jolo Police Station, patay

 

Contributed Photo/Nat Radjaie Tulawie

Isang lalaki ang napatay ng mga tauhan ng Jolo Police matapos itong mag-amok at pinaputukan ang mga pulis gamit ang dalang M14 rifle pagpasok nito sa mismong gate ng Jolo Police Station sa Marina Street, Barangay Walled City, Jolo, Sulu alas onse beinte singko ng umaga ng Linggo, Marso a-trese.

Kinilala ang lalaki na si Larry Lnu, isa umanong illegal gambling lord. Ayon kay Nat Radjaie Tulawie na nakasaksi sa insidente, noong Sabado pa raw hinahanap ni Lnu sa police station si Jolo Police Superintendent Junpikar Paner Sitin na noon ay nasa Zamboanga City.

Napilitan ang mga pulis na gumanti ng putok matapos ang indiscriminate firing na isinagawa ni Lnu na siyang ikinamatay nito. Walang nasugatan na pulis sa insidente at patuloy nilang iniimbestigahan and dahilan ng pag-aamok ni Lnu.

Read more...