Ligtas na nakauwi ang mahigit 100 locally stranded individual (LSI) sa Mindanao, araw ng Lunes (October 19).
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nasa 126 LSIs ang naihatid at kahun-kahong medical supplies, PPE sets, at food packs.
Hinatid ang mga LSI at medical supplies ng BRP Gabriela Silang (OPV-8301) para maghatid papuntang Cagayan de Oro, General Santos City, at Davao City.
Ang naturang ferry mission ay nagmula sa Maynila.
Bahagi ito rin ng malawakang “Hatid Tulong Initiative” ng pamahalaan sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
MOST READ
LATEST STORIES