Binga dam magpapakawala ng tubig mamayang alas 3:00 ng hapon

Naglabas na ng babala ang PAGASA sa mga residenteng naninirahan sa Brgy. Tinongdan sa bayan ng Tinogon sa Benguet.

Sa inilabas na notice ng National Power Corporation, magpapakawala ng tubig sa Binga dam alas 3:00 ng hapon ngayong araw, Oct. 20.

Dahil ito sa patuloy na pagtaas ng tubig sa dam bunsod ng pag-ulan na mula sa Bagyong Pepito.

Pinaghahanda ang mga residente ng Itogon partikular ang mga taga Brgy. Tinongdan at Brgy. Dalupirip.

Nag-isyu na rin ng flood warning ang PAGASA sa Magat River Basin.

 

 

Read more...