Ayon sa pangulo, shared responsibility ito at hindi dapat na sisihin ang gobyerno kung maging adik ang mga kabataan.
“Before I forget, itong mga sa droga, balikan ko lang. I forgot this important advice that parents should have also — a shared responsibility. Dapat kayo rin ang masisi nito kung ang inyong anak pupunta na doon,” pahayag ng pangulo.
Dapat aniyang palaging inaalam ang kalagayan ng mga bata.
“Iyon ‘yan eh. Pinabayaan ninyo. Check on your children always. Supervise, check. Kasi diyan ninyo mapaalagaan ang kapakanan ng anak ninyo,” pahayag ng pangulo
MOST READ
LATEST STORIES