Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.8 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 408 kilometers southwest ng bayan ng Sarangani, alas-11:12 ng umaga ng Martes (October 20).

May lalim na 191 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

 

 

Read more...