Ambaguio, Nueva Vizcaya niyanig ng magnitude 3.5 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 12 kilometers southwest ng bayan ng Ambaguio, alas-11:34 ng umaga ng Martes (October 20).

May lalim na 6 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala naman ang instrumental intensity 3 sa Baguio City.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian at aftershocks bunsod ng pagyanig.

 

 

 

Read more...