Isa pang bagyo binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa

Maliban sa Tropical Storm Pepito mayroon pang isang bagyo na binabantayan ang PAGASA na nasa labas ng bansa.

Ayon sa PAGASA ang naturang bagyo na nasa tropical depression category ay huling namataan sa layong 1,735 kilometers East Northeast ng Extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong orth-northwest.

Sa ngayon ayon sa PAGASA maliit pa ang tsansa na papasok sa bansa ang naturang bagyo.

 

 

Read more...