PNP Baguio City may mga bagong arms at sasakyan

May mga karagdagang armas at service vehicle ang Philippine National Police (PNP) sa Baguio City.

Pinangunahan nina PNP Chief Police General Camilo Pancratius Cascolan at Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang isinagawang turn over ceremony.

Kabilang sa mga bagong gamit ang 200 units ng caliber 5.56 Galil Rifles na mayroong 72,000 rounds ng mga bala, 100 piraso ng Landlite glow in the dark flashlights at isang Toyota vehicle.

Ipinagkaloob ito sa Baguio City Police Office matapos ang ginawang Flag raising ceremony sa Baguio City Hall.

Samantala, nagbigay din si Magalong ng P7,200,000 na halaga sa Baguio City PNP para sa pagbili ng base and hand held radio.

 

 

Read more...