Base sa datos na nakuha ng Radyo INQUIRER mula sa Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs, nakapagtala ng karagdagang 49,931 na umuwing OFWs at non-OFWs ang nag-negatibo sa isinagawang RT-PCR tests.
Maaring makita ang listahan ng mga dagdag na nag-negatibong Pinoy sa link na https://bit.ly/3o6Qn2G
Isinapubliko din ng Coast Guard ang listahan ng negatibong resulta ng non-PCG lab IDs o barcodes para sa OFs swab test.
Maari itong makita sa https://bit.ly/3jzkaOX
Ang mga nasa listahan ay maari nang makipag-ugnayan sa PCG o OWWA personnel sa kanilang quarantine facility para maiproseso ang kanilang pag-uwi sa mga lalawigan.