Tsunami warning sa South Alaska at Alaska Peninsula binawi na

Binawi na ang itinaas na tsunami warning sa South Alaska at Alaska Peninsula matapos ang pagtama ng magnitude 7.5 na lindol.

Ayon sa National Weather Service-Pacific Tsunami Warning Center, sa halip na tsunami warning ay tsunami advisory na lang ang nakataas.

May naobserbahan din na maliliit na tsunami waves sa Sand Point, King Cove, Unalaska, at Chignik Bay.

Umabot sa 1.1 hanggang 2.3 feet ang taas nang naitalang tsunami waves.

 

 

 

Read more...