Alas 7:00 ng umaga ngayong Martes (Oct. 20) ay huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 375 kilometers East ng Infanta, Quezon o sa layong 385 kilometers East ng Baler, Aurora.
Nakataas pa rin ang Signal No. 1 sa susumunod na mga lugar:
• Isabela
• Quirino
• Nueva Vizcaya
• Abra
• Kalinga
• Mountain Province
• Ifugao
• Benguet
• Ilocos Sur
• La Union
• Pangasinan
• Aurora
• Nueva Ecija
• Tarlac
• Zambales
• Bulacan
• Pampanga
• Bataan
• Metro Manila
• Rizal
• northern portion of Quezon (General Nakar,Infanta,Real) including Polillo Islands
• extreme northern portion of Camarines Norte (Vinzons)
• Catanduanes
Ayon sa PAGASA, mamayang gabi ay tatama sa kalupaan ng Isabela-Aurora area ang bagyo.
Lalakas pa ito at magiging isang tropical storm bago mag-landfall.
Ngayong araw, ang tropical depression Pepito ay magdudulot ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Bicol Region, Marinduque, Romblon, Quezon, Aurora, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Quirino, Isabela, mainland Cagayan, Pangasinan, at Benguet.
Mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas naLight to moderate with at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Metro Manila, Cordillera Administrative Region, MIMAROPA, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Bangsamoro, Northern Mindanao, at nalalabing bahagi ng Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, at MIMAROPA.