Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA alas 8:06 ng umaga ngayong Martes, Oct. 20 ay mahina hanggang sa katamtamang buhos ng ulan ang mararanasan sa Metro Manila at sa Bulacan.
Mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang mararanasan naman sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.
Pinapayuhan ang mga nakatira sa mabababang lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha.
MOST READ
LATEST STORIES