Yellow heavy rainfall warning itinaas ng PAGASA sa Camarines Norte

Itinaas na ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa lalawigan ng Camarines Norte.

Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA alas 8:00 ng umaga, yellow level ang umiiral sa nasabing lalawigan.

Babala ng PAGASA maaring makaranas ng pagbaha sa mga mababang lugar.

Samantala, mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang nararanasan naman sa sumusunod na mga lugar:

– Camarines Sur
– Catanduanes
– Albay
– Sorsogon
– Masbate
– Northern Samar
– Oriental Mindoro
– Romblon
– Marinduque

 

 

Read more...