Mga edad 17-21 at edad 60-65 pwede na muling mag-apply ng driver’s license sa LTO

Tatanggapin na muli sa mga opisina ng Land Transportation Office (LTO) ang mga edad 17 hanggang 21 at edad 60 hanggang 65.

Batay ito sa rekomendasyon ng Inter Agency Task Force.

Ayon sa LTO, ang mga nasa edad 17 to 21 na at 60 to 65 na gustong mag-apply ng student permit, driver’s license at conductor’s license ay pwede nang magtungo sa LTO offices.

Ipinaalala din ng LTO na extended ang validity ng mga nag-expire nang lisensya sa loob na pinaiiral ang restriction period hanggang sa December 31.

 

 

 

Read more...