Water level ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nadagdagan sa magdamag

Nadagdagan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 189.25 meters alas-6:00 umaga ng Martes (October 20) mas mataas ito sa antas nito kahapon na 188.96 meters.

Bahagya nabawasan ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 100.86 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 101.03 meters habang nanatili ang antas ng tubig ng La Mesa dam sa 79.10 meters.

Samantala, ang water level ng Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan at Magat dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang antas ng tubig ng Caliraya dam.

 

 

 

Read more...