Dalawa sugatan sa aksidente sa IBP Road sa QC

Nasugatan ang dalawang lalaki makaraang maaksidente ang sinasakyan nilang kotse sa IBP Road, Quezon City.

Nangyari ang aksidente pasado ala 1:00 ng madaling araw kanina nang bumangga sa center island at saka bumaligtad ang kotse.

Wasak ang windshield at harapang bahagi ng sasakyan.

Iniimbestigahan na ng mga otoridad kung nakainom ang dalawang sakay ng kotse.

Agad naman silang nadala sa ospital.

 

 

Read more...