Phivolcs pinawi ang pangamba ng tsunami kasunod ng magnitude 7.5 na lindol sa Alaska

Pinawi ng Phivolcs ang pangamba ng tsunami kasunod ng tumamang magnitude 7.5 na lindol sa Alaska.

Ayon sa Phivolcs ang malakas na pagyanig ay naitala alas 4:55 ng madaling araw ng Oct. 20 oras sa Pilipinas.

Sinabi ng Phivolcs na ang epicenter ng lindol ay naitala sa South of Alaska.

Sa kabila ng malakas na lindol, walang banta ng tsunami saanmang baybaying dagat ng bansa.

Ang tsunami ay posible umanong maitala sa mga baybaying dagat na nasa 300 kilometers ang layo mula sa epicenter ng lindol.

 

 

 

 

 

Read more...