Alaska niyanig ng magnitude 7.5 na lindol; tsunami warning itinaas sa South Alaska at Alaska Peninsula

Tumama ang magnitude 7.5 na lindol sa Alaska.

Ayon sa US Geological Survey, ang sentro ng pagyanig ay naitala sa 55 miles ng southeast Sand Point.

Dahil sa malakas na lindol, nagpalabas ng tsunami warning para sa baybaying dagat ng South Alaska at Alaska Peninsula.

Pinayuhan ang mga residente na manatiling kalmado at lumayo sa coastlines.

Read more...