Kawayan, Biliran niyanig ng magnitude 4.8 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang lalawigan ng Biliran.

Ang pagyanig ay naitala ng PHIVOLCS sa layong 7 kilometers southwest ng bayan ng Kawayan alas 3:32 ng umaga ngayong Martes (Oct. 20).

May lalim na 10 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Naitala ng PHIVOLCS ang sumusunod na intensities:

Reported Intensities:
Intensity V – Kawayan at Almeria, Biliran
Intensity IV – Naval, Cabucgyan and Biliran, Biliran; Calubian, Tabango, Capoocan at Leyte, Leyte
Intensity III – Carigara, Kananga, Palompon, Batbangon at Barugo, Leyte
Intensity II – Alangalang at Pastrana, Leyte; Catbalogan at Pagsanghan, Samar; Tacloban City

Instrumental Intensity:
Intensity V – Naval, Biliran

Ayon sa PHIVOLCS hindi naman inaasahang magdudulot ito ng pinsala at aftershocks.

 

 

 

Read more...