Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.
Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Lunes (October 19, 3:00 PM) nakapagtala ng 582 na bagong kaso kaya pumalo na sa 48,382 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 12,787
Laguna – 14,122
Batangas – 8,636
Rizal – 9,778
Quezon – 3,059
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 13,309.
Nasa 33,935 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 951 na bagong recovery.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 8,236
Laguna – 11,253
Batangas – 6,439
Rizal – 6,218
Quezon – 1,789
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 16 kaya umabot na sa 1,138 ang bilang.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 286
Laguna – 234
Batangas – 226
Rizal – 301
Quezon – 91
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay