San Jose, Tarlac niyanig ng magnitude 3.3 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang lalawigan ng Tarlac.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 20 kilometers southwest ng bayan ng San Jose, ala-1:16 madaling araw ng Martes (October 20).

May lalim na 129 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Read more...