(UPDATE) Tatlong beses niyanig ng lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang magnitude 3.1 na pagyanig sa 220 kilometers southeast ng bayan ng Sarangani, alas-12:54 madaling araw ng Martes (October 20) at may lalim na 1 kilometer.
Sumunod naman na naitala ang magnitude 3.6 na pagyanig sa 203 kilometers southeast ng bayan pa rin ng Sarangani, ala-1:20 ng madaling araw at may lalim na 30 kilometer.
Alas 4:30 naman ng madaling araw muling nakapagtala ng magnitude 3.6 na lindol sa 190 kilometers southeast ng Sarangani.
Pawang tectonic ang origin ng mga pagyanig.
Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng mga pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES