30-percent capacity sa mga simbahan, pwede na sa San Juan

Papayagan na ang 30-porsyentong kapasidad sa mga simbahan, moske at mga lugar na dasalan sa San Juan City.

Ito ay matapos lagdaan ni Mayor Francis Zamora ang Executive Order No. 54, series of 2020.

Gayunman, paalala ng San Juan LGU, patuloy pa ring ipatutupad ang mahigpit na health and safety protocols at precautionary measures.

Kabilang na rito ang pagsusuot ng face mask at face shield, at pagsunod sa social distancing.

Read more...