#PepitoPH inaasahang magla-landfall sa Aurora-Isabela area; Metro Manila, kabilang sa mga lugar na nakataas sa Signal no. 1

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Tropical Depression Pepito sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Batay sa huling severe weather bulletin, huling namataan ang bagyo sa layong 305 kilometers Silangan ng Virac, Catanduanes dakong 10:00 ng gabi.

Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.

Tinatahak ng bagyo ang direksyong pa-Kanluran Hilagang-Kanluran sa bilis na sa 20 kilometers per hour.

Dahil dito, nakataas ang tropical cyclone wind signal no, 1 sa mga sumusunod na lugar:
– Isabela
– Quirino
– Nueva Vizcaya
– Kalinga
– Mountain Province
– Ifugao
– Benguet
– La Union
– Pangasinan
– Aurora
– Nueva Ecija
– Tarlac
– Zambales
– Bulacan
– Pampanga
– Bataan
– Metro Manila
– Rizal
– Northern portion ng Quezon (General Nakar, Infanta, Real) kabilang ang Polillo Islands
– Extreme northern portion ng Camarines Norte (Vinzons)
– Catanduanes

Ayon sa weather bureau, inaasahang magla-landfall ang bagyo sa Aurora-Isabela area, Martes ng gabi (October 20) o Miyerkules ng madaling-araw (October 21).

Posibleng lumakas pa ang bagyo at maging tropical storm bago tumama sa kalupaan.

Matapos dumaan sa kalupaan ng Luzon, posibleng lumakas pa ang bagyo at umabot sa severe tropical storm category sa Huwebes (October 22).

Hanggang Martes ng gabi, asahan ang katamtaman hanggang malakas na ulan sa Bicol Region, Northern Samar, Quezon, Aurora, Cagayan, at Isabela.

Iiral naman ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan na may mabigat na pag-ulan sa Metro Manila, CALABARZON, Cordillera Administrative Region, nalalabing bahagi ng Cagayan Valley at Central Luzon, Zamboanga Peninsula, Bangsamoro, Northern Mindanao, Caraga, Samar, Eastern Samar, Romblon, at Marinduque.

Read more...