Batay sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang October 19, 21,826 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing probinsya.
Sa naturang bilang, 919 ang aktibo pang kaso.
Umabot sa 146 ang bagong gumaling kung kaya 19,595 na ang COVID-19 recoveries.
Isa naman ang bagong napaulat na nasawi sa nasabing rehiyon.
Dahil dito, 1,312 na ang bilang ng mga pumanaw sa Central Visayas bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.
MOST READ
LATEST STORIES