Mga kritiko ukol sa pagdiriwang ng liberation ng Marawi City, sinupalpal ni Pangulong Duterte

Sinupalpal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kritiko na nagsasabing walang sapat na oras para ipagdiwang ang liberation ng Marawi City matapos ang tatlong taong pananakop ng teroristang Maute group at Isis.

“In the meantime itong mga tao na nagre-reklamo, sabi there is no liberation of Marawi yet. Look, the government liberated Marawi, not from the people of Marawi. We do not do that, and we never did it,” pahayag ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo, hindi madali na maibalik sa dati ang Marawi City.

Kailangan aniya ito ng sapat na panahon para sa rehabilitasyon.

Halimbawa na lamang ayon sa Pangulo ang titulo ng lupa na pagtatayuan ng relokasyon sa mga residenteng naapektuhan ng giyera.

Bukod dito, iginit ng Pangulo na pinalaya ng pamahalaan ang Marawi City mula sa mga kamay ng mga terorista at hindi sa mga taga-Marawi.

“We liberated Marawi against the terrorists, Maute pati ‘yong Isis. ‘Yon ang nangyari d’yan. There’s no such thing — you’re using the word ‘liberation’, we never said that anybody occupies it except by the government and the peace-loving Filipinos,” dagdag pa nito.

Read more...