Naitala ang mga bagong kaso mula sa 764 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC at DWHVL.
Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 7:00, Lunes ng gabi (October 19), 5,893 na ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.
Sa nasabing bilang, 799 o 13.56 porsyento ang aktibong kaso.
Marami ring residente ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.
Bunsod nito, umabot na sa 5,039 o 85.51 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.
Nasa 55 naman ang mga residenteng nasawi o 0.93 porsyento bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.
MOST READ
LATEST STORIES