Atka island sa Alaska, niyanig ng 6.4 magnitude na lindol

EarthquakeCreditUSGSNiyanig ng 6.4 magnitude na lindol ang Atka Island sa southwest ng Alaska, araw ng Sabado roon.

Batay sa US Geological Survey o USGS, ang malakas na lindol ay may lalim na 32 kilometers, at naranasan 8:06 ng umaga (local time) 65 kilometers off ng Atka sa Andreanof Islands o 1815 kilometers west ng Anchorage, ang pinakamalaking siyudad ng Alaska.

Sa kabila ng malakas na pagyanig, wala namang naiulat na nasugatan o nasawi sa naturang isla, na kilala sa pagkakaroon ng maliit na populasyon.

Ayon naman sa US Tsunami Warning Center sa Hawaii, kahit malakas ang lindol sa Alaska, hindi pa rin ito sapat para makapagdulot ng tsunami.

 

Read more...