Sa lungsod ng Maynila, hindi madaraanan ng anumang sasakyang ang south bound lane ng Quezon Boulevard mula 1PM hanggang 7PM dahil sa stations of the cross.
Kabilang sa mga apektado ay ang Andalucia at Fugoso patungong Plaza Miranda at España, P. Campa, Lerma.
Sa abiso naman ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA, isinara ang northbound service road ng Buendia flyover sa Osmeña highway mula sa Malugay Street mula 1AM ng March 12 hanggang bukas ng 4AM, March 14.
Ang road closure ay bunsod ng piling work para sa Skyway Stage 3 Pier 19 at 20.
Mayroon ding road repair at reblocking ang Department of Public Works and Highways o DPWH sa Quezon City hanggang bukas ng 5AM.
Kabilang sa mga sarado ay ang bahagi ng Commonwealth Avenue southbound lane mula Don Antonio Drive hanggang Luzon Avenue at C.P. Garcia Street corner Magiting Street.
Hindi rin madaraanan ang una at ikalawang lanes ng northbound lane ng EDSA corner NIA road.