Community Learning Hub para sa mga estudyanteng mag-aaral na non-readers, inilunsad sa Pasig

Photo credit: Mayor Vico Sotto/Facebook

Inilunsad ng Pasig City government ang Community Learning Hub sa Caliwag.

Ayon kay Mayor Vico Sotto, matutulungan nito ang mga mag-aaral na non-readers o frustrated readers at ang ilang estudyante na hindi natututukan sa bahay.

Ibinase aniya sa health protocols ang bilang ng papayagang mag-aaral sa loob nito.

“Only 5 students at a time are allowed (health protocols). Ang maganda dito, katabi lang ng bahay nila kaya safe sila,” pahayag ni Sotto.

Tiniyak din nito na trained ang mga tutor na tututok sa mga aralin kung saan nahihirapan ang mga estudyante.

Photo credit: Mayor Vico Sotto/Facebook
Read more...