Karagdagang 41 pulis, tinamaan ng COVID-19

Aabot sa 41 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Lunes ng gabi (October 19), 6,768 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 617 ang aktibo pang kaso.

25 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 6,130 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Walang pulis ang napaulat na nasawi dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 21 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...