PCG, magtatayo ng Marine Environmental Protection Training Institute sa Bataan

Magtatayo ang Philippine Coast Guard (PCG) ng sariling Marine Environmental Protection Training Institute (MEPTI) sa Bataan.

Pinirmahan nina PCG Commandant Admiral George Ursabia Jr. at Commodore Mario Rabang ng PCG Auxiliary ang deed of usufruct para sa paggamit ng 3.7 ektaryang lupa sa bahagi ng Sitio Bato, Abucay para sa infrastructure project.

Makatutulong ang MEPTI upang mapagbuti ang maritime law enforcement capabilities ng ahensya, lalo na sa pagprotekta sa vast marine environment at resources ng bansa.

Nakasaad sa Republic Act No. 9993 o Philippine Coast Guard Law of 2009 na mandato ng PCG, “to enforce laws and promulgated and administer rules and regulations for the protection of marine environment and resources from offshore sources or pollution within the maritime jurisdiction of the Philippines, as well as develop oil spill response, containment, and recovery capabilities against ship-based pollution.”

Nasaksihan ni Rear Admiral Allen T Toribio, commander ng PCG Marine Environmental Protection Command, ang signing ceremony kasabay ng ika-119 founding anniversary celebration ng PCG held sa National Headquarters, Port Area, Manila noong October 14, 2020.

Read more...