Sinabi ni Go na napatunayan naman na ang kahalagahan ng sektor sa pagtama ng pandemya sa bansa.
Tiwala rin ang senador na kapag napalakas ang sektor, sisigla muli ang ekonomiya at bukod sa may pagkakakitaan na ang mga magsasaka at mangigisda ay magagarantiyahan na rin ang suplay ng pagkain.
Hiniling din niya sa DA na makiisa sa “Balik Probinsiya” Program dahil marami na ang nagsabi na nais nilang mamuhay sa pamamagitan ng pagsasaka basta magkakaroon lang sila ng pagsasanay.
“Magiging primary source po ng kabuhayan ang agrikultura ng mga magbabalik probinsya kung kaya’t dapat mas palakasin ang mga programang pwedeng magturo at sumuporta sa mga nais magsaka, mangisda, at iba pang kabuhayang pang-agrikultura,” sabi pa nito.
Nagbilin lang ito sa kagawaran na gamitin sa tamang paraan ang inilaan na P24 bilyon sa Bayanihan 2 para sa mga naapektuhan sa sektor ng agrikultura.