Batay sa sources mula sa oil industry, nasa P1.45 hanggang P1.65 ang taas-presyo sa kada litro ng gasolina.
Tinatayang nasa P1.20 hanggang P1.35 naman ang price increase sa bawat litro ng diesel, habang P1.00 hanggang P1.15 ang dagdag sa kada litro ng kerosene.
Sa ngayon, wala pang kumpanya ng langis ang nag-aanunsyo ng price adjustments.
Matatandaan na noong March 8, nagpatupad ng oil price hike ang malalaking kumpanya ng langis, 80 centavos ang taas-presyo sa kada litro ng gasolina, 65 centavos sa bawat litro ng diesel at 70 centavos sa kada litro ng kerosene.
MOST READ
LATEST STORIES