Mas paluluwagin na ang limitasyon sa dami ng mga papayagang pumasok sa mga simbahan sa Maynila.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno nakatakda siyang maglabas ng executive order na magtaaas sa 30% sa kapasidad sa mga simbahan.
Ito ay mula sa kasalukuyang 10 percent lamang na capacity.
Layon nitong madagdagan ang bilang ng mga taong maaaring payagang makapasok sa mga simbahan o bahay-sambahan.
Ayon kay Moreno, kasabay ng pagtataas ng capacity ang pagtitiyak namang masusunod ng mga mananampalataya ang health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Kabilang na rito ang pagsusuot ng face mask at face shield, at social distancing.
MOST READ
LATEST STORIES